Oh, I’m sorry. Did my back hurt your knife?

Image

FAKE FRIENDS slash HATERS.

Ang sayang magkaroon ng maraming kaibigan. Yung tipong, sila yung mapagsasabihan mo ng problema kapag nahihiya kang sa mismong mga magulang mo sabihin yung dinadamdam mo. May mga tao naman talagang ganun. They would rather tell their problems to their friends than to tell it to their parents. Bakit?

Simple lang naman. TRUST ang tawag dun. TIWALA. Na mas pinagkakatiwalaan mo ang mga kaibigan mo kesa sa mga magulang mo.

FAKE FRIENDS slash HATERS. Habang nakahiga ako sa aking kama kagabi, napaisip ako. Ano kayang isusulat ko sa blog ko? Bigla na lang pumasok ang pangalan nilang dalawa sa isip ko. Dalawang babae.

Kaibigan ko sila dati. Kasama sa jamming, sa lahat ng klase ng jamming na maiisip niyo. Inuman, gimik, tambay sa harap ng bahay, matutulog sa iisang bahay. Mga gawain ng ordinaryong teenager. Lahat ng sikreto ko, ibinahagi ko sakanila. Pati nga buhay ko, naikwento ko na sakanila e. Pero habang tumagal, parang may nangyayaring pagbabago sakanila..

1st monthsary namin ng boyfriend ko nun nung tinanong nila sa akin kung magkano yung bracelet na niregalo ko sa boyfriend ko.

“Secret!”, sabay ngiti ako.

Kinulit nila ako pero hindi ko sinabi.

“Di naman big deal e”, sabi ko sa sarili ko.

Kinabukasan, nagkasama kami ulit.

“Uy! Ikaw ah! HInanap namin yung bracelet sa mall, nakita namin, 1k pala presyo!” sigaw nila.

Smile lang ako.

Pagkatapos ng pangyayaring yun, tuloy-tuloy na pangungulit nila tungkol sa amin ng boyfriend ko. Hindi naman sa sinasabing kong mali yung gusto nilang malaman kung anong nangyayari sa amin pero mali naman na yung SOBRA.

Marami pang nangyari. Nangealam na sila, nagtake ng side, at ang pinakamalala, hinusgahan na nila ako. Bakit? Kaibigan nila ako, bakit ganun sila kung manghusga?

Nagkaroon kami ng problema ng boyfriend ko dahil sa babae. Nangangailangan ako ng mapagsasabihan ng problema, ng maiiyakan pero nasaan sila? Nalaman ko na lang na kinakaibigan pala nila yung babae.

Hinusgahan nila ako, dinegrade at trinaydor. Masakit. Masakit yung ginawa nila. MASAKIT DAHIL AKALA KO, TOTOONG KAIBIGAN SILA. Ang dami pa e. At kulang siguro ang isang araw para maikwento at maitype ko lahat ng mga ginawa nila dito sa blog.

Year 2010 nung nangyari lahat ng ito at hanggang ngayon, patuloy parin sila sa pangengealam ng buhay ko. Hanggang ngayon, sinisiraan parin nila ako at gumagawa ng mga walang kwentang kwento tungkol sakin.

NA-IMMUNE NA AKO. Sa tuwing may naririnig akong balita tungkol sa paninira nila sakin, hindi na ako nasasaktan. Siguro nga, namanhid na yung likod ko sa kakasaksak nila sa akin dati. Kung magpapaapekto ako, sinong talo? Ako rin naman diba?

J at R, kung mabasa niyo man ito, gusto ko lang malaman niyo na nagpapasalamat ako dahil nakilala ko kayo. Dahil kung di ko kayo nakilala, siguro, hindi ko malalaman lahat ng klase ng tao. Hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko kayo. Dahil sainyo, naging malakas ako. Dahil sainyo, natuto akong patunayan na mas angat ako kesa sainyo.

May itatanong lang sana ako, pudpod na ba mga kutsilyo niyo?

And for the people who have been backstabbed by their fake friends, dust it off! Kung hinihila man kayo pababa, isa lang ang ibig sabihin nun, mas nakakaangat kayo kesa sakanila.

Advertisements

Fifteen Assumptions That Might Be Useful To Make

1. Assume that you are loved.

2. Assume that those who love you find some kind of value in you and the things you do.

3. Assume, however, that you don’t need to be valuable in order to be worthy of love.

4. Assume that there is no one out there keeping a tally of all of your failings, ready to throw it in your face when you’re either feeling too good or too awful about yourself.

5. Assume that if anyone actually is keeping a tally of all your failings, that act says more about them than it does about you.

6. Assume that you can’t make all of the people happy all of the time; maybe not even some of the people some of the time.

7. Assume that you will, over the course of your life, sometimes anger or disappoint the people you love.

8. Assume that when this happens, it isn’t the end of the world, even if that’s what it feels like.

9. Assume that there is never an end to learning, or growing, or discovering.

10. Assume that you will always find a way out, even when all the doors slam shut and everything feels impossible.

11. Assume that sometimes earnestness and optimism can trump irony and cynicism.

12. Assume that it’s possible to recapture the way you felt when you were young, how the perfect clockwork mechanism of the universe used to leave you breathless and giddy with wonder.

13. Assume that there will always be more stories to tell, or at the very least new ways of reinterpreting old fables.

14. Assume that nothing is permanent, that someday even the sun will disappear; remember that everything we see and touch and taste is made of stars that grew and pulsed and died long before this planet ever existed.

15. Assume that you are under some kind of obligation to make the world a better place.

Reblogged from The Belle Jar

Munting Tagumpay

Labing anim na taong sakripisyo. Ginawa lahat ng paraan para makapagbayad ng aking matrikula at para makapagbigay ng perang babaunin ko sa araw-araw. Hindi nagsawang suportahan at gabayan ako sa lahat ng gawain sa paaralan. Walang sawa akong inintindi sa lahat ng bagay at walang sawa rin akong pinatawad sa lahat ng kasalanang aking nagawa. Nakita at naramdaman ko lahat ng pagsusumikap nilang dalawa para sa akin, para sa amin.

Mama, Papa, salamat po sa lahat. Salamat po dahil tinulungan niyo po akong makapagtapos ng pag-aaral. Salamat po dahil tinulungan niyo po akong makamit ang tagumpay. Para po sa inyo ito. At para parin po sa inyo ang mga susunod na tagumpay ko.

I hope I made you proud Mama at Papa! I love you! ♥ :’)

Image